Tiniyak ng Philippine Sports Commission (PSC) ang kanilang buong suporta sa mga national athletes na sasabak sa 2021 Tokyo Olympics sa kabila ng pagbabawas ng budget dahil sa COVID-19.
Ayon sa PSC, malaking pondo ang natapyas sa komisyon matapos ilipat ng Department of Budget and Management (DBM) ang 1.3 bilyong piso para sa pagsugpo ng bansa sa COVID-19.
Nabatid na 596 milyong piso rito ay mula sa National Sports Development Fund habang 773 milyong piso naman ang mula sa General Appropriations Act (GAA).
Samantala, target ni PSC Chairman William Ramirez na ipagpatuloy ang pagpapadala sa mga atleta sa ilang Olympic qualifying tournament para madagdagan ang Olympic qualifiers ng Pilipinas.
Facebook Comments