SUPORTA SA OFW | Bahrain, handang tanggapin ang mga Pilipinong manggagawa na gustong lumipat galing Kuwait

Bahrain – Tiniyak ni Bahrain Prime Minister Prince Khalifa Bin Salman Al Khalifa na protektado ng kanilang gobyerno ang karapatan ng mga OFW sa kanilang bansa.

Ito ay kasunod ng pagpapatupad ng gobyerno ng Pilipinas ng total ban ng mga OFW sa Kuwait.

Ipinahayag ni Khalifa ang kanyang paghanga at pagmamahal sa mga Pilipinong manggagawa sa kanilang bansa.


Pinuri rin ni Khalifa ang sipag at tiyaga ng mga OFW.

Bukas aniya ang Bahrain sa expatriation o paglilipat ang mga Pilipinong mangagawa mula Kuwait sa kanila bansa.

Facebook Comments