PROBLEMA SA MRT-3 | Senadora Poe, nagbantang papangalanan ang mga responsible sa mapait na sitwasyon ng MRT-3

Manila, Philippines – Papangalanan ni Senate Committee On Public Services Chairperson Grace Poe ang mga opisyal na responsible sa kalunus-lunos na kalagayan ng Metro Rail Transit (MRT) line 3.

Ito ay gagawin niya sa susunod na pagdinig ng komite sa susunod na linggo.

Ayon kay Poe – kailangang may magbayad at makulong sa ginawang kapabayaan sa tren.


Samantala, nagsimula nang dumating ang mga spare parts na in-order ng pamahalaan para sa MRT.

Pero isa hanggang dalawang tren lamang ang madaragdag sa katapusan ng buwan.

Facebook Comments