Suporta sa operasyon ng industriya ng mga coconut at kape sa bansa, tiniyak ng Landbank

Kasabay ng pagdiriwang ng National Coconut Month at ika-34th National Coconut Week, tiniyak ng Land Bank of the Philippines (Landbank) sa mga stakeholders ng industriya ng niyog at kape sa bansa na bukas na ang credit facilities ng ahensiya para sa mga operasyon ng mga ito.

Ayon kay Landbank President and CEO Cecilia C. Borromeo, sa huling araw ng five-day webinar series na “Coco-Kwentuhan sa Negosyo,” na inorganisa ng Philippine Coconut Authority (PCA) at ng Coalition for Agriculture Modernization in the Philippines, Inc. (CAMP), handa na silang sumuporta sa mga coconut at coffee stakeholders.

Sa pamamagitan aniya ito ng Coconut Production and Processing Financing (Coco-Financing) Program.


Maliban dito, tiniyak din ng Landbank na susuportahan nila ang produksyon ng mga high-value crops sa bansa tulad ng abaca, saging, cacao, goma, at gulay sa pamamagitan naman ng Sulong Saka Program o High Value Crops Financing Program.

Facebook Comments