Pinaigting ng Pamahalaang Lungsod ng Dagupan ang suporta para sa mga solo parents sa pamamagitan ng intake process para sa financial subsidy kahapon, Disyembre 1.
Tinatayang 1,200 kwalipikadong indigent solo parents ang nakibahagi sa aktibidad.
Pinangungunahan ang proseso ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) upang matiyak na matatanggap ng mga kwalipikado ang nararapat na tulong.
Ayon sa pahayag ng lokal na pamahalaan, layunin nitong palakasin ang pagbibigay suporta at oportunidad para sa mga magulang na sabay ginagampanan ang responsibilidad ng dalawang magulang para sa kinabukasan ng kanilang mga anak.
Facebook Comments









