SUPORTADO | Bantang pagsasampa ng kaso kay Jason Aquino, dapat ituloy – Sen. Villar

Manila, Philippines – Suportado ni Committee on Agriculture Chairperson Senator Cynthia Villar ang mga banta na pagsasampa ng kaso laban kay National Food Authority Administrator Jason Aquino.

Diin ni Villar, kung may basehan na nagkaroon ng paglabag o kasalanan si Aquino kaya problema ngayon sa suplay at presyo ng bigas ay dapat ituloy na sampahan ito ng kaso.

Dagdag pa ni Villar, kung kakasuhan ay magkakaroon naman ng pagkakataon si Aquino na magpaliwanag at idepensa ang sarili sa korte.


Facebook Comments