Manila, Philippines – Suportado ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang senate version ng security of tenure bill na pinasesertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello, mas maraming probisyon ang Senate Bill No. 1826 o Act Strengthening the Workers’ Right to Security of Tenure” na nagbibigay ng parusa sa mga hindi sumusunod o pasaway na employer.
Sakaling maging ganap na batas, mas malinaw na ang nilalaman ng labor code tulad ng mga sumusunod:
• Pagbabawal ng labor-only contracting at pagpaparusa sa mga lumalabag dito.
• Limitahan ang job contracting para sa license at specialized services
• Gawing regular at probationary employee’s ang mga seasonal employees
• Magbigay ng security of tenure
• Linawin ang standards ng probationary employment
• Magbigay ng transition support program sa mga empleyadong floating o naghihitay ng italaga sa ibang lugar o trabaho.