SUPORTADO | Ipinapakitang kasamaan ng mga otoridad sa teleserye, hindi patas sa PNP – Sen. Lacson

Manila, Philippines – Suportado ni Senator Panfilo Ping Lacson ang pagpuna ni Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde sa ipinapakitang sobrang kasamaan ng mga otoridad sa teleseryeng “Ang Probinsyano.”

Si Lacson ay dati ring hepe ng Philippine National Police at ngayon ay chairman ng committee on public order and dangerous drugs.

Hindi nagustuhan ni Lacson ang ipinapakita sa teleserye na sangkot sa katiwalian at paggawa ng krimen ang kabuuan ng pambanang pulisya mula sa liderato nito.


Para kay Lacson, hindi ito patas dahil mas nakakaraming pulis ang mabubuti at tapat na gumaganap sa kanilang tungkulin.

Bukod dito ay may nakikita din si Lacson na paglabag sa batas sa pagsusuot ng mga karakter ng teleserye sa eksaktong uniporme ng mga pulis.

Umaasa si Lacson na magkakaroon ng konsultasyon sa pagitan ng PNP at produksyon ng teleserye upang maituwid ang mga eksena nito na nagpapasama ng husto sa kabuuang imahe ng PNP.

Facebook Comments