‘DI TULOY | Hearing sa kasong murder ni Kerwin Espinosa, pinagpaliban

Manila, Philippines – Ipinagpaliban ng Manila RTC ang pagdinig sa kasong murder laban kay self-confessed drug lord Kerwin Espinosa.

Base sa abiso sa DOJ ng Manila Regional Trial Court branch 40, naka-leave si Judge Alfredo Ampuan ngayong araw kaya muling itinakda ang hearing sa November 20.

Kasama ni Espinosa na kinasuhan ng pagpatay kay Chairman Vicente Jabon ng Barangay Donya Maria, Albuera, Leyte noong May 2006 sina Max Miro at Stephen Bobares.


Una ng naghain ng not guilty plea si Espinosa nang basahan ng sakdal noong August 31.

nahaharap din si Espinosa sa kasong conspiracy to commit drug trading sa Makati RTC kaugnay ng kanyang pag amin sa Senate hearing noong 2016 na drug distributor siya.

Facebook Comments