Manila, Philippines – Magtitipon-tipon ang mga pro-federalism delegates para magsagawa ng kilos protesta bukas (February 17) para ipahayag ang suporta sa panukalang pagpapalit ng sistema ng gobyerno ng bansa.
Aabot sa higit 25,000 tao ang lalahok na pangungunahan ng grupong Iconform-Federal Philippines na kinabibilangan ng multi-sectoral groups na sumusuporta sa Federalism.
Ayon sa convenor ng grupo na si Raul Lambino – ang federal system ang siyang tatama sa historical inequities at injustice na idinulot ng Unitary Centralized Government.
Ito aniya ang sagot sa mahabang panahong paghihirap ng mga Pilipino.
Pinuri rin niya si House Speaker Pantaleon Alvarez dahil sa mabilis na pagtugon na magkaroon ng charter change at pagkokonsidera sa panukala.