SUPORTADO | Mga taga suporta ng iba’t ibang Senador at Partylist, kanya-kanyang pakulo sa harapan ng COMELEC

Manila, Philippines – Mistulang fiesta at halos mapuno ng mga taga suporta ng iba’t ibang mga tumatakbong Partylist ang harapan ng Plaza Del Gobernador para magfile ng kanilang kandidatura bilang isang Partylist at Senador.

Kanya kanyang pakulo at gimik ang ginagawa ng mga Partylist at mga Senador makakuha lamang ng atensyon sa publiko, kanina nakasakay ng bisekleta si dating Senador Pia Cayetano kasama ang kanyang mga supporter na nakabisekleta rin ang karamihan habang nag-iisa lamang na naglalakad ang dating Senador Mar Roxas at wala siyang kasama ni isa mang supporters at pamilya.

Nagiging makulay ang harapan ng Comelec dahil sa suot na ibat ibang kulay na damit ng mga supporters ng mga Senador at Partylist na kulay pula,dilaw, puti, berde, asul, pink,orange at violet na sinamahan pa ng mga banda.


Dinoble naman ang seguridad sa harapan ng COMELEC matapos na malusutan kahapon ng mga taga suporta ni SAP. Bong Go na nakaakyat umano sa itaas ng Comelec kasama si pangulong Duterte.

Lumikha naman ng pagkasikip ng daloy trapiko sa paligid ng Plaza Del Gobernador dahil sa mga taga suporta ng mga kumakandidatong Senador at Partylist.

Facebook Comments