Manila, Philippines – Susuportahan ni dating Special Assistant to the President ang pagbabalik ng mandatory Reserve Officers Training Corps o ROTC sa Grade 11 at 12 students.
Ito ay kasabay na rin ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat ay maibalik na ang ROTC upang mas mapatatag at maituro sa mga mag-aaral ang pagiging makabayan at malaman kung ano ang dapat gawin sakaling magkaroon ng giyera sa bansa.
Ayon kay Go, dapat na maibalik ang ROTC dahil ito ang isa sa mga paraan para madisiplina ang mga kabataan at maisapuso ng mga ito ang pagsisilbi at pagmamahal sa bayan.
Matatandaan na ilan din ang kumontra sa gusto ng pangulo na ibalik ang ROTC pero marami din naman ang pumabor dito at sinabing dapat itong magawa sa lalong madaling panahon.