UAAP | Game 1 ng UAAP Season 81 Men’s Basketball Finals simula na mamayang hapon

125

Maghaharap ang defending champion Ateneo de Manila University at ang University of the Philippines sa game 1 ng best of three finals series mamayang 3.30 ng hapon sa Mall of Asia Arena.

Binansagang battle of Katipunan, liyamado ang Blue Eagles kontra sa Fighting Maroons.

Bukod kasi na tinalo ng Blue Eagles ang Fighting Maroons ng dalawang beses sa eliminations, mas nakapagpahinga ang mga ito para sa finals. Hindi pa nananalo ang UP kontra Ateneo simula pa noong season 79.

Bentahe rin sa Ateneo ang experience pagdating sa finals.

Pero kung pagbabasehan naman ang determinasyon at pagnanais na masikwat ang titulo pagkatapos ng mahigit tatlong dekada, angat dito ang UP.

Ito kasi ang unang finals appearance ng Fighting Maroons magmula noong makuha nila ang kampeonato noong 1986.

Facebook Comments

From Advertisers