SUPORTADO | Pagbibigay ng trabaho sa mga tambay at koordinasyon sa mga barangay kontra tambay, isinusulong

Manila, Philippines – Kapwa suportado nina Senators Sonny Angara at Win Gatchalian ang pagbibigay solusyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa reklamo laban sa mga tambay sa buong bansa.

Kaugnay nito ay iginiit ni Senator Angara sa pamahalaan na bigyan ng trabaho ang mga tambay sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng JobStart Philippines Act.

Nakapaloob sa batas ang pagbibigay ng free technical at life skills training, internships, at trabaho sa mga tambay na kabataang edad 18-24.


Positibo si Angara na matutugunan ng batas ang resulta ng April 2018 Labor Force Survey na nagsasabing umaabot na sa 2.36 million ang walang trabaho sa bansa at 46% o 1.1 million dito ay edad 15 hanggang 24.

Iminungkahi naman ni Senator Gatchalian sa national government na pakilusin ang mga bagong halal na mga Barangay Officials sa buong bansa resoblahin ang pagkalat ng tambay sa kanilang hurisdiksyon.

Facebook Comments