Manila, Philippines – Suportado ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pansamantalang pagtatalaga ng mga sundalo sa Bureau of Customs (BOC) para pangasiwaan ang ahensya.
Pero paglilinaw ni Lorenzana, pansamantala lang ito hangga’t bumubuo pa ng mapagkakatiwalaan grupo si bagong Commissioner Leonardo Borja Guerrero.
Ayon kay Lorenzana, binigyan ng kalayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Guererro para i-overhaul ang BOC.
Nais aniya ng Pangulo na simulan muli ni Guerrero ang pagbuwag sa mga tiwali sa customs.
Kasabay nito, tiniyak ni AFP spokesman Brigadier General Edgard Arevalo na handa ang AFP na bigyan ng mga tauhan si Guerrero kung hihilingin nito.
Aniya, suportado nila ang pagkakatalaga ni Guerrero sa customs at nais nilang magtagumpay ito.