Manila, Philippines – Suportado ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang panukala ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling buhayin ang Reserve Officer Training Corps o ROTC program para sa grade 11 at 12 students.
Ayon kay AFP spokesperson, Brig. Gen. Edgard Arevalo – handa na silang magbigay ng mga opisyal na magsasanay sa mga kabataan.
Sa ilalim ng ROTC program, ituturo sa mga estudyante ang mga bagong pagsasanay tungkol sa disiplina at pagiging makabayan.
Nabatid na noong 2002 ay naging opsyonal ang ROTC para sa college students.
Facebook Comments