UPDATE | 12 indibidwal na sakay ng bumagsak na chopper ng Philippine Airforce, ligtas na

83

Nasa ligtas nang kalagayan ang 12 indibidwal na lulan ng bumagsak na Philippine Airforce Sokol chopper 923 sa Capas, Tarlac.

Kabilang dito sina Cong. Anthony Bravo at walong iba pang stakeholders ng AFP.

Ayon kay AFP spokesperson, Brig. Gen. Edgard Arevalo – masusi nilang iniimbestigahan ang sanhi ng pagbagsak ng chopper.

Ginamit kasi aniya ito sa isang AFP legislative engagement activity sa lugar.

Facebook Comments