SUPORTADO | PNP Chief, sang-ayon sa muling pagbuhay sa peace talks

Manila, Philippines – Sang-ayon si PNP Chief Oscar Albayalde sa peace talks na muling binuhay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagitan ng gobyerno at ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Ayon kay Albayalde, 100% niya itong susuportahan kung saan nais din ng PNP na magkaroon na ng pangmatagalang kapayapaan sa bansa at tapusin na ang gulo upang magpatuloy na ang kaunlaran sa ating bansa.

Sinabi pa ni Albayalde na hindi lamang mga inosenteng sibilyan ang biktima kundi maging ang mga nasa security sector.


Nabatid kasi na maging ang mga pulis at sundalo ay ginagawang bihag ng komunistang grupo.

Facebook Comments