ANTI-DENGUE VACCINE | DOH, hindi na gagamitin pa ang Dengvaxia

Manila, Philippines – Hindi na gagamitin ng Department of Health (DOH) ang anti-dengue vaccine ng French pharmaceutical company na Sanofi-Pasteur.

Ayon sa DOH, napag-desisyunan na nila ito matapos ang panibagong abiso ng World Health Organization (WHO) na nagsabing kailangan ng pre-screening sa Dengvaxia bago ito ibigay sa mga pasyente.

Sinabi ni Health Undersecretary Rolando Domingo, posibleng itigil na rin ng tuluyan ng DOH ang anti-dengue immunization program sa mga susunod na taon dahil sa abisong ng WHO.


Unang nang itinigil ng DOH ang pamamahagi sa mga bakunang Dengvaxia sa mga kabataan matapos ang naging kontrobersiya sa epekto nito sa mga kabataang naturukan subalit wala namang medical record ng naturang sakit.

Facebook Comments