SUPORTADO | Sec. Dominguez, iginiit na suportado nila ang federal form of government

Manila, Philippines – Iginiit ni Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez na suportado nila ang isinusulong na pederalismo ng Duterte Administration.

Pero nanawagan ng kalihim ng kaliwanagan patungkol sa isinusulong na pagbabago sa saligang batas partikular sa usapin ng fiscal provision.

Ani ni Dominguez, dapat ay detalyado ang usaping ito lalo at nakasalalay dito ang magiging bayarin ng pamahalaan.


Obligado aniya ang mga mambabatas na babalangkas sa pederalismo na linawin hindi lamang sa economic managers ng Pangulo kundi mismo sa taumbayan.

Facebook Comments