Manila, Philippines – Umani ng pagsuporta mula sa Department of Health (DOH) ang kalalagda pa lamang ni pangulong Rodrigo Duterte na batas na Tax Reform For Acceleration and Inclusion o TRAIN.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, sinusuportahan ng TRAIN Law ang programa ng DOH na malusog na pangangatawan at maiwasan ang hindi nakakahawang sakit gaya ng diabetes at hypertension.
Paliwanag ng kalihim ang TRAIN Law ay regalo umano ng Pangulo sa publiko para makaiwas sa mga sakit dahil tinataasan nito ang buwis sa sigarilyo at softdrinks na kadalasan pinagmumulan ng sakit ng mga Filipino.
Giit ng kalihim na ang makukuhang pondo ng naturang batas ay mapupunta sa pagsusubdiya sa National Government Health Care Reform agenda na magbibigay ng Universal Health Care sa mga Pinoy.