Supplemental budget para sa Marawi, pinasesertipikahang urgent

Manila, Philippines – Pinasesertipikahan ng urgent kay Pangulong Rodrigo Duterte ang supplemental budget sa ilalim ng Tindeg Marawi Bill para sa pagbangon ng Marawi City matapos na ideklara ang liberation sa lugar.

Layon ng House Bill 5874 o Tindig Marawi Bill na ma-pondohan ng sapat ang recovery ng lungsod na nakaranas ng matinding digmaan.

Nasa sampung bilyong supplemental budget ang kailangan para sa full recovery ng Marawi na gagamitin para sa humanitarian assistance at reconstruction.


Ipapaubaya naman sa DND, DSWD, DPWH at NHA ang paggugol sa pondo.

Pinasesertipikahan din ni Kabayan Rep. Harry Roque ang House Bill 222 o Rights of Internally Displaced Persons Act na nakatuon naman sa proteksyon ng karapatan ng mga biktima ng gyera at tumitiyak ng pagbabalik sa kanilang lugar o maayos na resettlement.

Malaki naman ang maitutulong ng Kongreso para sa rehabilitasyon ng lungsod at pagbabalik sa normal na buhay ng mga residente sa pamamagitan ng pagsasabatas sa mga panukalang aayuda sa mga hakbang na ito.

Facebook Comments