Magandang ratings ng publiko sa gabinete ng pangulo, ikinatuwa ng Malacañang

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Palasyo ng Malacañang ang magandang ratings na ibinigay ng publiko sa official family ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang reaksyon ng Malacanang sa inilabas na resulta ng survey ng social weather station o SWS na nagpapakita na nakakuha ng Good rating ang gabinete ng Pangulo.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, magsisilbing inspirasyon ito ng buong gabinete para magpurisge sa pagtatrabaho para paglingkuran ang sambayanang Pilipino patungo sa mas maginhawang pamumuhay.
Ang pagsisilbi aniya ng mga gabinete ng pangulo ay sumusunod sa mga pahayag ni Pangulong Duterte na may efficiency, integrity at compassion.
Committed aniya ang buong gabinete ng Pangulo na ilapit sa mamamayan ang administrasyon sa pamamagitan ng mas epektibong serbisyo ng gobyerno dahil ito ang karapat dapat lamang sa mga Pilipino.

Facebook Comments