Marawi City, Philippines – Inihain ni KABAYAN Party-list Rep. Harry Roque ang paglalaan ng supplemental budget para sa rehabilitasyon ng Marawi City.
Sa House Bill 5874 o TINDEG MARAWI bill ni Roque, maglalaan ng sampung bilyong pisong supplemental budget.
Ito ay hahatiin para sa Department of National Defense (DND), Department of Education (DepEd), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at National Housing Authority (NHA).
Gagamitin ang nasabing pondo para sa humanitarian assistance sa mga biktima ng marawi siege at rehabilitasyon ng mga nasirang imprastraktura, ari-arian at establisyimento sa lungsod.
Ayon kay Roque, mahalaga na ngayon palang ay mapaghandaan narin ng gobyerno ang gagawing rehabilitasyon sa lungsod at pagbabalik ng peace and order sa lugar matapos ang mahigit dalawampung araw nang nagpapatuloy na kaguluhan roon.
Ang panukala ay inihain ni Roque kasunod na rin ng atas ni Pangulong Duterte na paglalaan ng 10 bilyong pondo para sa Marawi Rehab.
DZXL558