Supplemental complaint ng impeachment laban kay Pangulong Duterte, pormal nang isinampa ni Magdalo Rep. Gary Alejano sa Kongreso

Manila, Philippines – Pormal nang isinampa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang supplemental complaint ng impeachment laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. 

 

Sa supplemental-complaint affidavit na pirmado ni Magdalo Rep. Gary Alejano, nakasaad dito na dapat ma-impeach ang Pangulo dahil sa mga aksyon at kapabayaan ng Pangulo sa isyu ng Benham Rise at West Philippine Sea.

 

Ayon kay Alejano – mula nang maluklok sa pwesto, tila tinalukuran na ni Pangulong Duterte ang pangako niya noong kampanya na ipagtatanggol ang teritoryo ng Pilipinas laban sa China.

 

Maging ang panalo aniya ng Pilipinas sa arbitration court, isinantabi lang ng Pangulo.

 

Naninindigan si Alejano na prinsipyo at hindi pulitika ang dahilan kung bakit nais nilang panagutin ang Pangulo.

 

Hindi rin niya i-aatras ang reklamo para lang mailigtas sa impeachment si Vice President Leni Robredo na nauna nang nagsabing hindi susuporta sa impeachment laban sa Pangulo.


Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na hindi niya isinusuko ang teritoryo ng bansa.


Facebook Comments