Supplemental impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte, naihain na sa Kamara

88
Manila, Philippines – Naihain na ni Magdalo Rep. Gary Alejano ang supplemental impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Office of the Secretary General ng Kamara.
 
Betrayal of public trust pa rin ang ground ng supplemental complaint, kung saan ginawa nitong basehan ang sikretong kasunduan ni Pangulong Duterte sa China — matapos payagang maglayag ang survey ship nito sa Benham rise.
 
Nakalagay din sa reklamo na hindi alam ng publiko at ng kanyang gabinete ang tungkol sa kasunduan.
 
Nakapagtataka rin aniya ang pananahimik ng pangulo nang maglagay ang China ng weapon systems sa artificial islands na itinayo nila sa West Philippine sea.
 
Matatandaang dalawang linggo na ang nakakaraan nang unang ihain ni Alejano ang impeachment complaint laban sa pangulo.








Facebook Comments