Supply agreement para sa pagbili ng 40 milyong doses COVID-19 vaccines, nilagdaan na ng Pilipinas at Pfizer-BioNTech

Nilagdaan na ng Pilipinas at ng US drugmaker Pfizer-BioNTech ang supply agreement para sa pagbili ng 40 million doses ng bakuna.

Inaasahang mag-uumpisang dumating ang bulto ng mga bakuna pagkatapos ng walong linggo simula sa Agosto.

Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., kasama niyang lumagda sa kasunduan kahapon si Health Secretary Francisco Duque III.


Ito aniya ang pinakamalaking vaccine procurement deal na isinagawa ng pamahalaan ngayong 2021.

Nanawagan naman si Galvez sa mga lokal na pamahalaan na ihanda ang cold storage facilities para sa Pfizer-BioNTech vaccines na may temperature requirement na -80 to -60 degrees centigrade.

Samantala, nasa 44 million doses pa ng bakuna ang inaasahang darating sa bansa mula sa COVAX Facility habang nagpapatuloy ang negosasyon para sa 16 million doses mula sa Novavax at Johnson & Johnson.

Facebook Comments