Supply ng baboy sa bansa, mananatiling sapat

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na walang problema sa supply ng baboy sa bansa.

Ito’y sa gitna ng pagkatay sa mga baboy na apektado ng hindi pa matukoy na sakit.

Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, mananatili ring matatag ang presyo ng karneng baboy.


Hindi rin nito maapektuhan ng industriya ng Lechon lalo na at tataas ang demand nito ngayong papasok na ang ‘ber’ months.

Sa ngayon, wala pang tinutukoy ang DA kung anong klaseng sakit ang tumama sa mga nangamatay na baboy.

Facebook Comments