Supply ng basic commodities, mananatiling sapat ayon sa DTI

Sapat ang suplay ng mga pangunahing bilihin kaya walang dahilan para magpanic buying ang lahat matapos ibalik sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila at kalapit lalawigan.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, hindi kailangang mag-alala ang publiko dahil sapat ang suplay kahit pa muling hinigpitan ang quarantine measures sa National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Aniya, sapat ang basic products at raw materials ng dalawa hanggang higit tatlong buwan.


Matatandaang ibinalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa MECQ ang Metro Manila, Bulacan, at Cavite, Laguna, at Rizal sa MECQ bilang tugon sa hiling na “time-out” ng mga health workers dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.

Facebook Comments