SUPPLY NG BIGAS | Bidding para sa karagdaang 250,000 metric tons ng bigas, gagawin ngayong araw – ayon sa NFA

Manila, Philippines – Bubuksan ngayong umaga ng National Food Authority (NFA) ang bidding para sa procurement ng karagdagang 250,000 metric tons ng bigas.

Ayon kay NFA Director Rebecca Olarte, ang procurement ng bigas ay gagawin sa pamamagitan ng Open Tender scheme at bukas sa lahat , ito man ay manggaling sa ibang bansa o sa mga supplier mula sa private at government sector.

Ang procurement ng karagdagang 250,000 metric tons ng bigas ay para makumpleto ang buffer stocks ng pamahalaan sa panahon ng lean months ngayong taon,


Nagkaroon na rin ng pre-bid conference noong Mayo 8 na dinaluhan ng ilang interesadong suppliers.

Una nang tinanggap ng bansa ang alok ng Vietnam at Thailand para mag-supply ng unang 250,000 metric tons ng bigas na inaasahang darating ngayong katapusan ng Mayo at Hunyo.

Facebook Comments