SUPPLY NG BIGAS | DA, pursigidong palakasin ang rice production sa Zamboanga

Upang solusyonan ang pagsasalat ng produksyon ng palay sa rehiyon ng Mindanao, ibabalik at palalakasin ng Department of Agriculture (DA) ang rice production program sa Zamboanga City at mga kalapit na lalawigan.

Ito ang solusyon na nakita ni Agriculture Secretary Manny Piñol para tuluyan nang tuldukan ang nakagawiang rice smuggling sa Malaysia.

Hinimok na ng kalihim ang mga Local officials sa Zamboanga, Sulo, Basilan at Tawi-Tawi na maghanap ng kahit 1,000 ektarya ng agricultural lands na pwedeng gamitin bilang demonstration farm at learning center ng DA.


Susubukan ng DA na taniman ng palay ang lugar gamit ang modernong pamamaraan tulad ng irigasyon na patatakbuhin naman ng solar-powered irrigation system.

Una nang tumugon at nag-alok ng lupang agrikultural ang local government ng Zamboanga at Tawi-Tawi para gawing rice production areas.

Nangako ang DA na mag bibigay ng technical support sa mga magasasaka upang mapalakas ang programa sa agrikultura sa rehiyon sa mga darating na panahon.

Facebook Comments