Manila, Philippines – Nananatiling mataas nag presyo ng bigas kahit dumating na ang mga inangkat na bigas sa ibang bansa.
Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang average wholesale price ng well-milled rice tumaas ng walong porsyento at nasa P41.87 bawat kilo.
Ang wholesale price naman ng regular-milled rice ay P38.69 kada kilo, 10% na mas mataas kumpara noong nakaraang taon, habang ang retail price nito ay nasa P41.07 kada kilo.
Ang average price naman ng palay ay tumaas sa 21.48 pesos bawat kilo mula sa P19.42 per kilogram noong nakaraang taon.
Lumabas din sa PSA na bumababa pa rin ang imbentaryo ng bigas sa bansa na nasa 2.36 million metric tons nitong nakaraang buwan.
Una nang sinabi ng National Food Authority (NFA) na naantala ang distribution ng mga imported na bigas dahil sa masamang panahon.