Davao City – Posibleng simulan ang inspeksyon sa mga bodega ng rice producers sa Davao City bago matapos ang buwan ng Setyembre.
Kaugnay ito sa inilabas na Executive Order no. 23 ni Davao City Mayor Sara Duterte sa pagbuo ng isang task force para masigurong regulated ang presyo at supply ng bigas.
Ayon kay Second District Davao City Councilor Marissa Abella, ang nasabing task force ay bubuuin ng mga representante galing sa City Mayor’s Office, City Council Committee on Food and Agriculture, City Economic Enterprises, City Agriculturist’s Office, Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) regional office.
Samantala, sinabi ni Abella na kinakailangan ng magtanim at payabungin ang industriya ng bigas sa Davao para masolusyonan ang rice shortage sa Pilipinas.