Asahan ng magiging normal na ang supply ng COVID-19 vaccine sa bansa sa mga susunod na araw dahil sa sunod-sunod na pagdating nito.
Ayon kay Vaccine Czar Sec. CArlito Galvez Jr., mahigit 11 milyong doses ng bakuna ang inaasahang darating sa bansa ngayong Hunyo.
Kabilang dito ang pagdating bukas, Hunyo 10 ng 1-million dose ng Sinovac vaccine at mahigit 2.2-million dose ng Pfizer-BioNTech.
Aabot naman sa 100,000 dose ng Sputnik V ang darating sa Biyernes.
Sa Hulyo, asahan naman ang pagdating ng 12-milyong doses ng bakuna habang sa Agosto ay 17-milyong doses ng COVID-19 vaccine.
Tiniyak naman ni Galvez na mayorya ng mga dumadating na bakuna sa bansa ay ibabahagi sa mga lugar na tumataas ang kaso ng COVID-19.
Facebook Comments