Supply ng fertilizer tumaas, mga magsasaka umaaray na ayon sa DA

Aminado ang pamunuan ng Department of Agriculture (DA) na tumataas ang supply ng mga iba’t ibang klase ng fertilizers kaya umaaray na umano ang mga magsasaka.

Sa isinagawang 17th Virtual Presser ng Inter-Agency Task Force o IATF Task Group on Food Security, sinabi ni Executive Director ng DA-Fertilizer and Pesticide Authority Wilfredo Roldan na simula noong buwan ng Enero hanggang Mayo ng nakaraang taon ay tumaas ng $276 ang presyo ng fertilizers.

Ayon kay Executive Director Roldan, ang mga fertilizer ay inaangkat pa sa bansang Indonesia, Malaysia, China at Arab countries kung saan ang malaking naiaambag dito ay ang palm oil na malaki umano ang nakukuhang porsyento.


Paliwanag ni Roldan, umaabot sa 400 hektarya ang naidagdag sa agricultural products kaya nawawala umano ang supply, hindi pa kasama rito ang pagtaas ng mga raw material.

Nakipagpulong na rin umano siya sa mga stakeholder upang mag-angkat ng mga fertilizer kung saan tinalakay nila kung papaano matutulungan ang mga magsasaka sa bansa.

Tinitiyak naman ng DA na ngayong planting season ay masusuportahan nila ang mga magsasaka na umaaray na rin sa taas ng presyo ng mga fertilizer.

Giit pa ng DA na gumagawa rin ng paraan ang kanilang TWG upang mapag-aralan mabuti ang magandang presyo ng mais dahil malaki umano ang produksyon ng mais pero nilinaw ng kagawaran na wala pang desisyon ang TWG sa naturang special order.

Facebook Comments