Supply ng Gatas ng Kalabaw at Baka sa Rehiyon Dos, Hindi Sapat Ayon sa DTI-2

Cauayan City, Isabela- Hindi pa rin umano sapat ang supply ng gatas dito sa rehiyon dos bagamat patuloy pa rin ang pag-unlad ng industriya ng paggagatas sa mga kalabaw at baka dito sa rehiyon ay kulang parin umano ito upang supplayan ang pangangailangan ng mga milk makers dito sa lalawigan Isabela at Cagayan.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Ms. Mary Anne Dy, ang Chief ng Industry Development Division ng Department of Trade and Industry Region 2 sa naging eksklusibong panayam ng RMN Cauayan.

Aniya, bilang isa sa mga prayoridad na industriya ng Rehiyon dos na sinusuportahan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan gaya ng DTI, Department of Agriculture, National Dairy Authority, Philippine Carabao Center, DOST at LGU ay kanila pang hinihikaya’t ang taumbayan na mag-alaga ng baka at kalabaw upang mapataas pa ang produksyon ng gatas ng mga Dairy animals dito sa bansa upang masupplayan ng sapat ang mga milk makers o mga gumagawa ng pastillas.


Ayon pa kay Binibining Dy, kabilang umano ang rehiyon dos na mayroong mataas na produksyon ng gatas ng kalabaw at baka kung saan tinaguriang Dairy Zones Area ang lalawigan ng Isabela at Cagayan sa isinagawang 21st Dairy Congress kamakailan sa Tagbilaran City, Bohol.

Kabilang sa mga Dairy Zone area dito sa lalawigan ng Isabela ay ang bayan ng Mallig, Roxas, Quezon, San Manuel at San Agustin na pangunahing sumusupply ng gatas ng kalabaw at baka dito sa lalawigan ng Isabela.

Facebook Comments