Supply ng Kuryente sa Bicol at ilang bahagi ng CALABARZON, naputol dahil sa bagyong Rolly

Nawalan ng kuryente ang ilang lalawigan sa Bicol Region at ilang bahagi ng CALABARZON matapos manalasa ang bagyong Rolly.

Ayon kay National Electrification Administration (NEA) Administrator Nikki Tortola, naputol ang kuryente sa mga probinsya ng Camarines Sur, Camarines Norte, Sorsogon at ilang bahagi ng Quezon Province.

Maging ang Albay ay hindi rin nakaligtas sa power supply cut-off.


Nasa 10 electric cooperatives sa Bicol Region ang nakapag-ulat ng power outages.

Paliwanag ni Tortola na maraming post eng kuryente ang natumba at may ilang transmission lines ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang nasira.

Wala pang eksaktong petsa kung kailan makababalik ang kuryente sa mga nabanggit na lugar.

Samanatala, sinabi ni MERALCO Spokesperson Joe Zaldarriaga na may ilang residente ang nakaranas ng power outage sa Quezon, Laguna at Cavite.

Facebook Comments