Naibalik na sa normal ang suplay ng kuryente sa ilang lugar sa North Cotabato matapos ang magnitude 6.6 na lindol kahapon.
Inatasan na rin ng Natl Electrification Administration Disaster Risk Reduction and Management Department ang lahat ng electric cooperatives sa Mindanao na magpatupad ng mga contingency measures upang maibsan ang epekto ng lindol sa kanilang power distribution facilities.
Pinayuhan din sila na i- activate ang kanilang Emergency Response Organization kung kinakailangan upang maipatupad ng hindi naaantala ang anumang emergency response plans.
Gayundin maibalik ang serbisyo ng kuryente sa mga lugar na hindi naman naapektuhan ng lindol pero pansamantalang pinatay ang daloy ng electrisidad for safety reasons.
Una na ring ipinahayag ng National Grid Corporation of the Phils na nanatiling intact at hindi napinsala ang kanilang mga transmission lines ng mangyari ang malakas na lindol.