Supply ng kuryente sa May 9 elections, sapat – NGCP

Tiniyak ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na sapat ang supply ng kuryente sa mismong araw ng halalan sa Mayo 9.

Sinabi ni NGCP Spokesperson Cynthia Alabanza na magiging mababa naman ang energy demand sa naturang araw dahil isa itong holiday.

Sa kabila nito, hindi naman isinasantabi ng NGCP ang pagkakaroon ng power outages o brownout dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari.


Ayon kay Alabanza, ang mainit na panahon, biglaang maintenance at forced outages o biglaang pagtirik ng mga planta ay maaaring makaapekto sa supply ng kuryente at hindi na aniya nila ito kontrolado.

Samantala, iginiit naman ng NGCP na noong nakaraang taon pa nila pinaghahandaan ang araw ng eleksiyon.

Facebook Comments