Mga kandidato, dapat dumalo sa mga debate – PPCRV

Iginiit ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na dapat dumalo ang lahat ng kandidato sa mga debate, lalo na ang mga ioorganisa ng Commission on Elections (COMELEC).

Ayon kay PPCRV Chairman Emeritus Henrietta De Villa, sa pamamagitan ng debate at interview ay maipiprisinta ng mga kandidato ang kanilang plataporma.

Aniya, oportunidad din ito ng mga kandidato para ipaalam sa mga botante kung ano ang kanilang mga plano sa bansa sakaling manalo sa 2022 elections.


Paliwanag pa ni De Villa, makikilala rin sa mga debate at interview ang kakayahan ng mga kandidato base sa pagsagot ng mga katanungan.

Hinikayat naman ni De Villa ang mga botante na manood at makinig ng mga debate at interview para malaman kung gaano katotoo ang mga kandidato sa kanilang hangarin sa bansa.

Facebook Comments