Naibalik na ang supply ng kuryente sa karamihan ng mga lugar sa Northern Luzon na naapektuhan ng Bagyong Maring.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines, kabilang dito ang mga lalawigan ng Abra, La Union at ang malaking bahagi ng Cagayan.
Kaugnay niyan, nagpapatuloy naman ang restoration activities sa ilang transmission line sa ilang lugar sa Cagayan at Pangasinan.
Ito ay ang:
• Lal-Lo to Sta. Ana, Cagayan transmission line
• Bacnotan to Bulala transmission line
• Bauang to San Fabian transmission line
• Esteban to Bangued transmission line
• at Labrador to Bolinao transmission line.
Kahapon lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Maring pero patuloy itong makakaapekto habang pinalalakas ang habagat.
Facebook Comments