Supply ng kuryente, tubig at komunikasyon sa Catanduanes, pinamamadali

Puspusan na ang ginagawang aksyon ng pamahalaan para maibalik sa lalong madaling panahon ang kuryente, telekomunikasyon at supply ng tubig sa Catanduanes na lubos na napuruhan ng Bagyong Rolly.

Ito ay matapos matanong ni Pangulong Rodrigo Duterte kung naresolba na ang kakulangan ng potable water supply sa Catanduanes.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad, gumagapang pa rin ang lalawigan mula sa pagkawala ng basic necessities, lalo na ang supply ng tubig.


Paliwanag ni Jalad, nawalan ng supply ng tubig sa lugar dahil din sa pagkawala ng kuryente na siyang nagpapatakbo ng water district.

Dahil isang island province ang Catanduanes, nahihirapan ang national government na magtatag ng komunikasyon sa mga lokal na opisyal para malaman ang lawak ng pinsala at maipadala ang kinakailangang tulong.

Sa ngayon, kumukuha lamang ang Catanduanes ng kanilang supply ng tubig sa mga poso o deep well.

Ang Department of Energy, Globe Telecom at Smart Communications ay handang maibalik ang supply ng kuryente at komunikasyon sa island province.

Ang Office of Civil Defense ay nakatakdang magtungo sa Catanduanes ngayong araw o bukas para ihatid ang libu-libong family food packs sa mga apektadong residente.

Facebook Comments