Supply ng langis, tiniyak ng Dept. of Energy

Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na sapat ang supply ng langis sa bansa.

Ayon kay Energy Sec. Alfonso Cusi, walang magiging problema sa 30 araw batay na rin sa kanilang imbentaryo.

Kasabay ng pagmamadali ng pagtatag sa Strategic Oil Reserve sa Pilipinas bilang tugon, naghahanap na sila ng storage facility na pwedeng pag-imbakan ng langis.


Patuloy na babantayan ng doe ang paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Sa ngayon, nag-abiso na ang ahensya na mataas pa rin ang posibilidad na tumaas ang presyo ng produktong petrolyo sa mga susunod na Linggo.

Facebook Comments