Manila, Philippines – Nagbabala ang Department of Agriculture (DA) sa posibileng kakulangan ng supply ng manok sa ikalawang kwarter ng 2019.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, ito ay kung hindi tataas ang farmgate prices ng mga manok na bumagsak sa P38 sa ilang lugar.
Ang farmgate price ang market value ng isang produkto kung saan ibabawas ang gastos sa pagbebenta ng produkto gaya ng transportasyon.
Paliwanag ni Piñol, kapag nalulugi ang mga nagnegosyo ng manok ay aayaw na itong magbenta na magreresulta naman sa shortage at pagtaas ng presyo.
Sabi ni Piñol, dapat itaas ang farmgate price sa P10 kada buwan hanggang maabot ang lebel na hindi na sila malulugi.
Facebook Comments