Supply ng tubig, mananatiling sapat pagsapit ng summer – NWRB

Asahan ang sapat na supply ng tubig para sa mga residente ng Metro Manila ngayong summer season.

Ayon kay National Water Resources Board (NWRB) Executive Director Sevillo David, may sapat na supply ng tubig ang capital region hanggang sa susunod na tag-ulan.

Ang Angat Dam, ang pangunahing pinagkukunan ng tubig sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite ay mayroong sapat na supply ng tubig ngayong tag-init.


Aniya, magiging maiksi lamang ang summer season kaya inaasahang babalik sa normal lebel ng mga dam kapag dumating na ang tag-ulan.

Pero iginiit ni Manila Representative Manny Lopez, na kailangang maghanap ng iba pang pwedeng mapagkuhanan ng supply ng tubig at hindi dapat nakadepende na lamang sa Angat Dam.

Ang Wawa Dam at ang Laguna Lake ay pwedeng i-develop bilang bagong water sources.

Sinabi naman ni House Deputy Speaker at Valenzuela Representative Eric Martinez na kailangan ding malaman ang estado ng watershed areas na nagpoprotekta sa Angat, Ipo at La Mesa Dam.

Facebook Comments