Manila, Philippines – Itutulak ni 1-ANG EDUKASYON PL Rep. Salvador Belaro na dagdagan pa ang pondo para sa Higher Education Support Fund sa 2018 budget ng Commission on Higher on Education.
Paliwanag ni Belaro mas kailangan na dagdagan ang pondo dahil tataas ang mga mag-e-enroll sa susunod na taon.
Higit pa aniya sa walong bilyon na pondo ngayong taon ang kailangan para matugunan ang pangangailangan at mapaghandaan ang biglang paglobo ng mga enrollees sa 2018.
Kasabay nito ay pinuri ng kongresista ang pag-release sa guidelines sa 8 billion free college tuition program sa ilalim ng Duterte administration.
Bagamat mababa ang bilang ng mga papasok na Freshmen ngayon taon dahil hihintayin pa ang mga magsisipagtapos na senior high school ay malaking tulong ang free college tuition program para naman sa mga mahihirap na estudyante.
DZXL558