Pinatutulong ni Philippine National Police (PNP) Chief Police Gen. Rodolfo Azurin Jr., ang lahat ng National Support Unit (NSU) nito sa nagpapatuloy na imbestigasyon hinggil sa mga nawawalang sabungero.
Ayon kay PNP Chief Azurin makakatuwang ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang NSU nang sa gayon ay tuluyan nang maresolba ang kaso ng mga nawawalang sabungero sa lalong madaling panahon.
Naniniwala ang PNP chief na kaunting panahon na lamang ang gugugulin ay mahuhuli na ang mga nasa likod ng pagkawala ng mga sabungero.
Matatandaang kamakailan pormal nang sinampahan ng kasong kidnapping at serious illegal detention ng PNP sa Department of Justice (DOJ) sina Julie Patidongan alyas Dondon at isang John Doe na nakitang kasama ng isang nawawalang sabungero sa Laguna.