Kinilala ang sumuko na si alyas na “Gayong”, nasa hustong gulang, may asawa, magsasaka, at residente ng nabanggit na barangay.
Sa nakuhang impormasyon ng iFM Cauayan, nahikayat na sumuko ang supporter ng NPA dahil sa mga programa ng kapulisan sa ilalim ng ipinatutupad na NTF-ELCAC gaya ng Project SAGIP na inilunsad ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) at Project USAPAN na inisyatibo naman ng Ilagan Police Station.
Inihayag ni alyas Gayong na siya ay contact ng NPA at siya ay na-recruit ni Ka “Natan” noong taong 2021.
Naging tagahatid aniya siya ng mga pagkain at mahahalagang impormasyon sa komunistang teroristang grupo patungkol sa mga ginagawang aktibidad ng gobyerno.
Dinala na sa Ilagan CPS ang dating supporter para sa kaukulang disposisyon kasama ang Provincial Intelligence Unit personnel sa pamumuno ni PMaj Joel Dulin, Regional Intelligence Unit 2 sa pamumuno ni PLt Serie Batang, 1st Provincial Mobile Force Company sa pamumuno ni PLtCol Jeffrey Raposas, sa pangkalahatang superbisyon ni PCol Julio Go, Acting Provincial Director ng IPPO.