Ipinwesto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kilalang supporter nina dating Vice President Leni Robredo at dating Pangulong Corazon Aquino.
Ito ay sa katauhan ni Carlos Primo David na itinalaga bilang undersecretary ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Sa isang pahinang appointment paper, binanggit na maglilingkod si David sa ilalim ng Marcos administration ng hindi hihigit sa anim na taon bilang co-terminus ng pangulo.
Si David ay anak nina University of the Philippines Prof. Randy David at dating Civil Service Commission Chairperson Karina David.
Kapatid din siya ng beteranang broadcast journalist na si Kara David-Cancio.
Noong August 2022 ay iniluklok din ni PBBM ang labor leader at aktibista na si Alan Tanjusay bilang undersecretary ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Matatandaang pinayuhan ni Sen. Imee Marcos si Pangulong Marcos na mag-appoint din ng mga kritiko at kahit mga dati nitong kalaban sa politika.