DFA, kinumpirmang walang Pinoy na namatay sa lindol sa Syria

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipinong nasawi sa lindol sa Syria.

Ayon sa DFA, 60 naman ang mga Pinoy sa Syria na naapektuhan ng lindol.

Nakatakda namang mag-deploy ang DFA ng six-man team mula Damascus para tumulong sa rescue operations sa Syria.


Samantala, nananatili naman sa 248 na mga Pinoy ang naapektuhan ng malakas na lindol sa Türkiye.

Facebook Comments